Connect with us

Business

SM malls, magkakaroon ng mga CR na gender-neutral simula Nobyembre

Published

on

Bilang hakbang sa pagbibigay ng “safe community space” para sa lahat, magkakaroon na ng mga gender-neutral comfort rooms (CR) ang mga establisyimento ng SM, ang pinakamalaking shopping mall chain ng bansa.

Matatandaan kamakailan ang insidente kung saan hindi pinayagan ang transgender woman na si Gretchen Diez na gumamit ng CR na pambabae sa isang mall sa Quezon City. Ang naturang lungsod ay may ordinansang pumuprotekta sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer/questioning (LGBTQ) community. Ilang buwan matapos ang nasabing pangyayari, tumugon ang SM Supermalls sa pamamagitan ng paglalagay ng mga CR na gender-neutral.

Pahayag ni Steven Tan, Chief Operating Officer ng SM Supermalls, “With inclusivity and innovation at the core of everything we do, we endeavor to create spaces where all shoppers are welcome.”

Article source: CNN Philippines

Continue Reading