Business
Sugary drink ads sa Singapore, ipagbabawal na


Ipagbabawal na ng Singapore ang mga advertisements ng mga sugary drink at juice.
Bunsod ito ng resulta ng pag-aaral na Singapore ang isa sa may pinaka-mataaas na kaso ng Diabetes sa buong mundo.
Ayon sa health ministry ng Singapore, ang mga produkto na maituturing na “less healthy” ay kailangan nang maglagay ng warning. Ilalagay sa mga labels nutritional and sugar content ng mga produkto.
Ang mga “most unhealthy” na produkto nama’y pagbabawalang mai-advertise sa mga media platforms tulad ng broadcast, print, at online channels.
“This aims to reduce the influence of such advertisements on consumer preferences,” ayon pa sa ministry.
Papatawan din ng buwis ang mga sugary drinks, o hindi kaya naman ay tuluyang ipagbawal ang ilang inumin.
Tugon ng mga kumpanya
Bukas naman ang Coca-Cola Company na bawasan ang mga asukal na binebenta sa Singapore.
“We will continue to rethink many of our recipes in Singapore to reduce sugar, because while sugar in moderation is fine, we agree that too much of it is not good for anyone,” saad ni Ahmed Yehia, country manager ng Coca-Cola Singapore at Malaysia.
“We foresee minimal impact on our portfolio from this announcement,” dagdag pa nito
Inudyukan Singaporean government ang mga manufacturers na subuking magpalabas ng mga inumin na may mas konting sugar content.
“We urge SSB (sugar-sweetened beverages) manufacturers to consider reformulating their drinks to contain less sugar even as we further study these measures,” ayon sa ministry.
Sinabi naman ni Edwin Tong na kailangan nang i-counteract ng gobyerno ng Singapore ang mga health concerns ng bansa. Kabilang sa mga health concerns ng Singapore ay ang pagtanda ng populasyon nito.
Si Tong ang Senior Minister of State for Health ng Singapore.
“Our rapidly ageing population and rising prevalence of chronic diseases will lead us to an unsustainable, costly system with poorer health outcomes if we do not intervene,” ani Tong.
Ang Singapore ang unang bansa na nag-ban ng mga ads para sa unhealthy sugary drinks.