Connect with us

Business

Taas Presyo sa Petrolyo asahan bukas April 19

Published

on

Presyo ng langis

Nakapag pagasolina na ba ang lahat?

Dahil simula bukas April 19 hanggang 25, asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ito ay ayon sa pag-tataya ng Unioil Petroleum Philippines.

Matapos ang dalawang sunod na rollback sa halaga ng diesel at gasolina nitong Semana Santa, kapit mga motorista sa P1.70 – P1.80 na dagdag singil sa presyo ng diesel kada litro. Habang P0.40 – P0.50 naman kada litro ang itinaas sa halaga ng gasolina.

Ang mga kumpanya ng langis ay nag aanunsiyo ng pag babago sa halaga ng kanilang mga produktong petrolyo kada Lunes, at ipapatupad ito kinabukasan.

Sa kasalukuyang taon, nagkaroon na nang kabuuang pagtaas sa presyuhan ng higit kumulang sa P15 kada litro sa presyo ng gasolina at P26.65 naman sa diesel kada litro. Samantalang P21.10 kada litro na ang itinaas sa halaga ng kerosene.

(GMA News)