Business
TelCo company, nagbabala vs illegal signal boosters, cell signal blockers, jammers
Nagbabala ang ilang TelCo Companies sa publiko kaugnay ng pagbebenta at paggamit ng mga iligal na signal boosters, cell signal blocker at jammers kasunod ng inilabas na kautusan ng National Telecommunications Commission o NTC.
Nagiging dahilan kasi ang mga ito ng pagbagal o pagkawala ng koneksyon, pagkakaroon ng dropped calls, at pagbaba ng kalidad ng voice calls kapag ginagamit ang mobile phone.
Malaki ang epekto nito sa mga operasyon ng lahat ng Telco tulad ng rescue operations tuwing may sakuna gayundin ang paghahatid ng resulta ng halalan na umaasa sa mobile phones para maihatid ang boto.
Nakukuha kasi nito ang bandwidth na dapat sana ay mapakikinabangan ng marami kaya naaapektuhan ang mobile signal ng ibang customer na malapit dito.
Ang mga cell signal jammer naman ay ganap na hinaharang ang cellular signal at pinipigilan ang sinoman na magamit ang serbisyo.
Ipinagbawal ng NTC ang pagbebenta ng mga iligal na aparato sa ilalim ng ilalim ng Memorandum Order Blg. 01-02-2013 o ang “Pagbabawal sa Portable Cellular Mobile Repeater at Portable Cell site Equipment”. pero marami pa rin ang mga nag-aalok ng mga iligal na unit nito online.