Connect with us

Business

Tesla, pinayagan na mag-manufacture ng sasakyan sa China

Published

on

Pinayagan na ang electric vehicle maker na Tesla na mag-manufacture ng mga sasakyan sa China.

Nag-uumpisa nang magtayo ng Php 102.5 bilyong factory sa Shanghai ang kumpanya na pinapatakbo ni Elon Musk.  Ito ang pinakaunang manufacturing unit ng kumpanya sa labas ng Estados Unidos.

Ayon sa isang pahayagan, pinaplano ng Tesla na makagawa ng mahigit 1,000 units ng kanilang ‘Model 3’ bawat linggo sa kanilang Chinese factory.

Ang pabrika, na pinangalanang Gigafactory 3, ang unang fully-foreign owned car plant sa China.

Dahil sa nakamit na permiso mula sa Chinese government, magkakaroon ang Tesla ng access sa China na itinuturing na pinakamalaking car market sa mundo. 

Makakaiwas din ang kumpanya sa mataaas na import tariffs na ipinapataw sa mga sasakyan na gawang US. 

Nag-alok ang Chinese government sa Tesla ng tulong upang mapabilis ang pagpapatayo ng construction plant. 

Samantala, hindi rin sisingilin ng China ang Tesla ng 10% tax sa mga kotse. 

Sa ground-breaking ceremony noong Enero, sinabi ni Elon Musk na ang pabrika ay gagawa ng “affordable versions” ng Tesla Model 3, ang mass market vehicle ng Tesla.

“Aiming to finish initial construction this summer, start Model 3 production end of year [and] reach high volume production next year”, sabi ni Musk sa isang tweet.


BASAHIN: Samsung, ipinasara na ang huli nilang pabrika ng smartphone sa China