Connect with us

Business

TIGIL-KOLEKSYON NG TAX SA PETROLYO, DAPAT IPATUPAD SA PATULOY NA PAGSIRIT NG PRESYO NG PETROLEUM PRODUCTS – REP. GARIN

Published

on

Photo Courtesy: Cong. Sharon S. Garin Official FB Page

Dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo nais ni Fuel Crisis Ad hoc Committee head at AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin na suspendihin muna ang Excise Tax na ipinapataw sa mga petroleum products.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Garin na nararapat na suspendihin ang excise tax para bumaba ang presyo ng petroleum products na mas lalong nagpapahirap sa mga mamamayan.

Ani Garin, Disyembre pa lamang ay nag-propose na siya sa pangulo na awtomatikong suspendihin ang excise tax kapag nagtaas ang presyo ng petrolyo sa ibang bansa at umabot ng $65 ang kada bariles.

Sakaling mangyari ito ay mababawasan ng P6 ang pump price ng gasolina.

Alam ni Garin na malaki ang perang mawawala sa gobyerno sakaling suspendihin ang koleksyon ng buwis sa petroleum products pero iginiit niya na maliit lang ang P38 bilyon kumpara sa mawawala kapag hindi nila tinulungan ang transport system sa bansa.

“We will lose P38 billion in taxes but that is way way smaller than what we are risking to lose kung indi ta ni pagbuligan ang aton nga transport system,” saad ng mambabatas.

Idiniin pa nito na direktang makikinabang dito ang lahat ng mga mamamayan, hindi lang ang mga draybers kundi pati na ang mga magsasaka.

 

Continue Reading