Connect with us

Business

Tinaguriang ‘Jesus Shoes’ na may laman umanong holy water, sold out

Published

on

Photo l RT.com

Naging laman ng usap-usapan ngayon sa sneakerhead community ang isang uri ng sapatos na tinaguriang ‘Jesus shoes’.

Ayon sa MSCHF ang product designer ng nasabing produkto, ang sapatos ay naglalaman umano ng holy water mula pa sa Jordan River.

Ang naturang sneakers ay merong rendering ng dugo na kumakatawan sa “blood of Christ”, insole na amoy frankincense, habang may nakakabit na krus sa shoelaces nito.

May nakalagay din na bible verse sa gilid ng sapatos na Matthew 14:25 na tumutukoy sa paglalakad ni Hesus sa tubig.

Ang ginamit ng MSCHF bilang canvas ng sneakers ay isang all-white Nike Air Max 97 ngunit hindi affiliated ang Jesus Shoes sa Nike.

Isa lamang itong troll job at hindi aprubado ng Simbahang Katoliko ayon sa designer ng sapatos.

May pahayag naman ang head of commerce ng MSCHF na si Daniel Greenberg patungkol sa statement ng sapatos.

“We wanted to make a statement about how absurd collab culture has gotten,” saad ni Greenbwerg.

Ang binansagang “Jesus Shoes” ay limited edition at nagkakahalaga ito ng P155,000 kada pares.

Samantala, sold out na ang dalawang dosenang pares ng naturang kicks.

Via / Trainee Mark Oliver Dearoz