Connect with us

Business

TINY HOUSES, NAUUSO NGAYON SA PINAS

Published

on

Cubo
Larawan mula sa Cubo.ph.

Unti-unting ipinakikilala ng isang nagsisimulang kumpaniya ang mga “tiny houses” o “modern bahay kubo” sa mga millenials na Pinoy.

Ang kumpaniyang Cubo Modular ay gumagawa ng maliliit na bahay na maaaring i-assemble sa loob lamang ng ilang oras.  Sa halagang P89,000 hanggang P499,000, maaari ng magkaroon ng sariling bahay.

Ang mga tinaguriang “easy-to-assemble” na mga tahanan ay higit umanong matibay at dinisenyo laban sa bagyo at lindol, ayon sa CEO ng kumpaniya na si Earl Patrick Forlales.

Dagdag pa ni Forlales, “It’s like getting our very own ‘bahay kubo’. We’re just upgrading it to become a 21st-century solution.”

Ang mga Cubo units ay may mga pagpipiliang disenyo at sukat mula 6.5 hanggang 63.5 square meters. Ginagawa ang mga bahay sa pasilidad ng Cubo, at pagkatapos ay ihahatid para i-assemble sa lote ng kliyente.

Ayon naman kay Zahra Halabisaz Zanjani, chief operating officer ng Cubo, “These houses are made by Filipino hands, and we take pride in that. So there really is a big demand. We are getting a lot of support from fellow Filipinos.”

Sumusunod din ang kumpaniya sa International Residential Code at sinisiguro ni Forlales na ang Cubo units “pass the global standards in terms of quality and structure.”

Ang mga bahay, ani Forlales, ay gawa sa engineered bamboo. Ang mga kawayang ito ay sinasabing 14 na beses na mas matibay kaysa mga tabla sa bansa gaya ng Narra at Yakal. Mas matatag din umano ito kaysa semento. Ang mga kawayan ay mga tanim ng kumpaniya. Ang mga ito ay hindi lang para sa produksiyon. Layon din nito na makatulong sa pagpapababa ng carbon emissions ng bansa, upang higit pang mapangalagaan ang kalikasan.

Hindi lamang umano mura at matibay ang mga unit ng Cubo, sinisikap din ng kumpaniya na maging sustainable at eco-friendly ang proseso ng pagbubuo ng mga bahay.

Continue Reading