Connect with us

Business

Tricycle drivers dapat kabilang sa mga makaka tanggap ng fuel subsidy ng gobyerno

Published

on

Traysikel

Binigyang-diin ni Albay Representative Joey Salceda na dapat kabilang ang mga tricycle drivers sa fuel subsidy program ng gobyerno sapagkat kasama rin sila sa mga naapektuhan ng patuloy na pag-taas ng presyo ng petrolyo.

Ipinahayag ni Salceda, chairperson ng House committee on Ways and Means na sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act, kabilang ang mga tricycles sa fuel subsidy program, na may pondong P2,453,379,500.

“Under the law, DOTr (Department of Transportation) is mandated to provide fuel subsidy for tricycle,” sinabi ni Salceda sa isang congressional inquiry batay sa ulat ng GMA News.

“It is inexcusable for you to assert that the tricycle is under the purview of the LGUs and therefore exempted… I think we should keep proper recognition to the tricycles, it is in the law,” aniya.

Kinilala naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kabilang sa mga benepisyaryo ang mga tricycle drivers, ngunit, mayroong isyu sa pag-papatupad nito.

Sinabi ni DOTr senior consultant Engineer Alberto Suansing na ang isyu “lies on downloading the funds” sapagkat ang mga tricycles ay nasa ilalim ng mga local government units.

Dagdag pa aniya na nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang maayos ang isyu.

“Hindi naman natin ine-exclude ang tricycle. Kaya lang ‘yung operational matters na po ang pag-uusapan natin kung papaano download sa mga tricycle drivers ‘yung pera considering na hindi nga po parte ng LTFRB… saklaw ng LTFRB ang tricycle operation kung hindi nasa LGU po,” aniya.

“Kaya po ang ginagawa po ng DOTr is nakikipag-ugnayan po sa DILG para malaman kung papaano natin gagawin ‘yun,” dagdag ni Suansing.

Nag-request ng pondo ang DOTr sa Department of Budget and Management for funds para masakop ang 377,443 beneficiaries na tatanggap ng fuel subsidies na nagkakahalaga ng P6,500 bawat isa.

Sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra na ang mga kailangang dokumento upang mailabas ang pondo ay maaaring i-sumite hanggang ngayong Martes, Marso 8.

(GMA Network)

Continue Reading