Connect with us

Capiz News

100-gadget donation drive para sa mga kapos na estudyante inilunsad sa Roxas City

Published

on

Inilunsad ng Roxas City Movement, isang pribadong samahan sa Roxas City, ang 100-gadget donation drive para sa mga kapos na estudyante sa lungsod para sa online learning.

Tinawag nila itong “Gadget Para sa Wala Budget” na naglalayong makalikom ng mga gadget na maaaring magamit ng mga nangangailangang estudyante new normal education standard.

Sa ngayon, ilang mga residente na ang tumugon sa kampanya.

Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas, malaking tulong ito para matulungan ang gobyerno lokal sa paghahanda sa blended and online learning sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

“Truly, this effort will significantly impact our students who value their education but are hard-pressed to carry on because of their family’s financial difficulties and limitations,” pahayag ni Mayor Dadivas.

Mababatid na naglaan na ng pondo ang gobyerno lokal para sa planong pagtatayo ng TeleRadyo para sa DepEd sa Roxas City, pagbili ng mga gadgets para sa mga guro at estudyante na kapos sa badyet.

Sabi pa ng alkalde, kabilang rin sa popondahan ng gobyerno ang planong pagbili ng online Learning Management System para sa syudad at pagpapalakas ng signal ng internet sa mga malalayong barangay sa lungsod.

Samantala, maaaring mag-donate ng mga smartphone, tablet, laptop o desktop.

Makikita ang mga karagdagang impormasyon sa kampanyang ito sa Facebook page na Roxas City United Movement.

Continue Reading