Connect with us

Capiz News

12-anyos na binata sa Ivisan nagpakamatay umano dahil sa bisyo sa online gaming

Published

on

Isang 12-anyos na binata sa Brgy. Basiao, Ivisan, Capiz ang nagpakamatay umano dahil hindi nabigyan ng sapat na pera sa kanyang bisyong online gaming.

Nabatid na katatapos lang noon magbenta ng mag-ama ng isda mula sa pangingisda sa dagat. Binigyan naman ng ama ang binata ng Php60 pero tila hindi umano ito naging sapat.

Napansin ng ama na nagdadabog ang binata dahil kulang ang perang ibinigay sa kaniya at nagsabing mabuting patayin nalang umano siya. Hindi pinansin ng ama ang anak at umalis ito.

Kalaunan, pag-uwi umano ng ama, naabutan nalang ng niya na may pisi na nakatali sa kaniyang leeg at wala nang buhay ang anak.

Samantala, isang 57-anyos na lalaki ang nagbigti-patay sa Brgy Cadio, Panit-an, Capiz.

Nabatid na nakakaranas ng sakit sa push ang nasabing lalaki at na-stroke noon pang 2019.

Continue Reading