Capiz News
16 barangay sa Roxas City, “drug-cleared” na
Umabot na 16 na mga barangay sa Lungsod ng Roxas ang drug cleared kasunod ng on-site validation g Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PLtCol. Aron Palomo, hepe ng Roxas City PNP, apat rito ang bago lamang naireport na drug cleared simula nang siya ay umupo bilang hepe nitong Hulyo.
Ang mga barangay na sinasabing cleared na sa iligal na droga ay Barangay 3, Olotayan, Barangay 4, Talon, Barangay 6, Punta Cogon, Bago, Balijuagan, Bato, Jumaguicjic, Liong, Barangay 2, Adlawan, Cogon, Gabuan at Cabugao.
Nabatid na sa kabuuang 47 mga barangay, may ilang barangay ang pansamantalang itinigil ang kanilang mga aktibidad para drug clearing dahil narin sa pandemiya.
Continue Reading