Capiz News
17-anyos na lalaki patay matapos malunod sa Dumarao, Capiz
Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos malunod sa Brgy. Astorga, Dumarao, Capiz.
Kinilala ang menor de edad na si Mark Daniel Surita, Grade 11, at residente ng nasabing lugar.
Base sa report ng Dumarao PNP, naganap ang insidente Miyerkules ng umaga habang ang biktima at si Renjon Gaversa ay naliligo sa ilog.
Magdadalawang oras na umanong hindi namamalayan ni Renjon ang pamangkin na hindi nakakaahon sa ilog nang madiskobre nito ang pagbula sa tubig.
Nang kaniyang usisain ay tumambad sa kaniya ang biktima na wala nang malay bagay na dali-dali niya itong iniahon at humingi ng tulong.
Mabilis na isinugod sa Dumarao Medicare Hospital ang biktima pero dineklara siyang Dead on Arrival ni Dra. Marites Malicudio.
Continue Reading