Connect with us

Capiz News

1ST BATCH NG REPATRIATED OFWs, NAKATAKDANG DARATING NGAYONG ARAW ABRIL 28

Published

on

Capiz – Nakatakdang dumating sa probinsya ng Capiz ang unang batch ng mga repatriated overseas Filipino workers (OFW) ngayong araw.

Ito ang ipinahayag ni Capiz Gov. Esteban Contreras sa isinagawang pagtitipon ng Covid 19 Capiz Provincial Interagency Task Force.

Napag alaman na dahil sa pagtanggi ng city government na gawing quarantine facility ang Capiz Nat’l High School sa Brgy. Tiza, Roxas City, papauwiin n Lang ang mga OFW’s sa kani-kanilang bayan at ang kanilang LGU na Lang ang maghahanap ng kanilang magiging quarantine facility habang nasa 14-day quarantine period.

Ang nasabing mga OFW’s ay lahat negatibo sa covid 19 matapos ipailalim sa rapid testing sa Meteo Manila at muli silang isasailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) pagdating sa Capiz para masigurado na ligtas na ang mga ito nasabing sakit.