Connect with us

Capiz News

2-anyos na bata nabanggaan ng sasakyan sa Roxas City

Published

on

Sugatan ang isang dos anyos na batang lalaki matapos mabangaan ng isang Toyota Avanza sa Luna Novicio St., sa Brgy. 2, Roxas City.

Kinilala ang driver ng sasakyan na si Renante Descalzo, 42-anyos, ng Brgy. Mongpong sa lungsod na ito.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Roxas City PNP na habang binabaybay ng driver ang kalsadahin nang bigla nalang tumakbo patawid ng kalsada ang bata papunta sa ama nito na si Christian Solera Sr.

Dahil rito aksidenteng nabangga ang biktima at nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan at agad na isinugod sa ospital habang nagsurender naman sa kapulisan ang driver.

Continue Reading