Capiz News
2 batang babae nalunod sa ilog, patay
Patay ang dalawang batang babae matapos malunod sa ilog sa Sitio Proper, Brgy. Tuburan, Maayon, Capiz.
Kinilala ang mga biktima na sina Rhea Mae Municode y Pagurayan, 7-anyos, at pinsan nito na si Rheana Municode y Beronio, 6, parehong mga residente ng nasabing lugar.
Ayon sa report ng Maayon PNP, naliligo umano ang magpinsan dakong alas-11 ng umaga nitong Huwebes kasama ang kanilang mga pamilya nang sila ay tangayin ng malakas na agos ng tubig at napunta sa malalim na bahagi ng ilog.
Sila ay nirescue ng ilang residente sa nasabing barangay at dinala sa Bailan District Hospital pero dineklara ng doktor na mga dead on arrival.
Continue Reading