Capiz News
2 Capizeña nag-uwi ng medalya mula sa World Championships of Performing Arts
Dalawang Capizeña ang matagumpay na nag-uwi ng medalya mula sa World Championships of Performing of Arts (WCOPA) na ginanap sa Anaheim, California sa pamamagitan ng virtual.
Sina Maybelle Villan mula bayan ng Dao at Coleen Mae Dumol ng Roxas City ay dalawa lamang sa mga Pilipinong kumatawan sa bansa sa internasyonal na kompetisyon na ito sa larangan ng pag-awit.
Si Villan ay nagkamit ng gintong medalya sa Senior Vocal Self-Accompaniment (open) category at bronze medal naman sa Senior Vocal Gospel category.
Nagkamit naman ng bronze medal si Dumol sa Senior Vocal Pop Category sa naturang prestihisyosong kompetisyon.
“I can’t really express how grateful I am for this opportunity to be able to represent the country to this year’s Virtual WCOPA 2020 and being able to bring honor and glory back to our country as well. I felt beyond blessed,” pahayag ni Villan.
Lubos naman ang pasasalamat ng dalawa sa mga sumuporta sa kanila, kabilang na ang kanilang mga pamilya at mga kapwa mga Capiznon.
Nakatakdang sumabak dalawa sa WCOPA live show sa Disneyland Anaheim California sa susunod na taon.