Capiz News
2 kaso ng panghohold-up natala sa Roxas City; isa sa tatlong suspek nakilala na


Nakapagtala ang Roxas City PNP ng dalawang magkahiwalay na kaso ng panghohold-up sa Cadamihan River at sa Brgy. Lawaan, dito sa syudad kagabi.
Unang nahold-up ang tatlong kalalakihan sa Cadamihan River kung saan natangay sa kanila ng ang dalawang cellphone, ATM at wallet na may lamang nasa Php2500.
Ayon sa kanilang salaysay sa kapulisan, nakaupo lamang umano sila nang lapitan sila ng tatlong mga kalalakihan at agad na tinutukan ng kutsilyo sabay sabi ng hold-up.
Sunod namang nahold-up naman ang tatlong magkakaibigan sa Brgy. Lawaan kung saan natangay sa kanila ang tatlong cellphone at pera na nasa Php5,000.
Nabatid na naghihintay umano ang tatlo ng kanilang kasama para bumili ng gamot nang lapitan sila ng tatlo ring kalalakihan saka tinutukan ng kutsilyo at hinold-up.
Sa follow-up investigation ng kapulisan, nakilala ang isa sa mga suspek na si Romeo Alolor alyas ‘Bongbong’ residente ng Brgy. Milibili, Roxas City.
Naniniwala ang kapulisan na iisang grupo lang ang nasa likod ng magkahiwalay na kaso ng pangho-hold-up.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.