Capiz News
2 lalaki arestado sa kasong Serious Physical Injuries
Arestado ang dalawang lalaki sa kasong Serious Physical Injuries sa Sitio Bon Bon, Brgy. Ibaca, President Roxas, Capiz.
Kinilala ang mga akusado na sina Christopher John Bautista, 21-anyos, at Regie Marcelino, 19, parehong mga residente ng nasabing lugar.
Sila ay inaresto ng kapulisan ng President Roxas PNP sa pamumuno ni PMaj. Rachelle Garnica at CPMFC Intel Operative Lunes ng hapon sa bisa ng warrant of arrest.
Ang kanilang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Hannibal Patricio, 1st Municipal Circuit Trial Court, President Roxas-Pilar, 6th Judicial Region, President Roxas, nitong Mayo 17.
Php18,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanilang pansamantalang paglaya.
Continue Reading