Capiz News
2 MOTORSIKO NAGBANGGAAN SA BRGY. BAYBAY, ROXAS CITY; 2 PATAY, 3 SUGATAN
Patay ang dalawang driver ng motorsiklo matapos magbanggan sa Brgy. Baybay sa Roxas City kagabi habang sugatan naman ang tatlong mga angkas nito.
Kinilala ang mga namatay na sina Mike Anoche ng Brgy. Sibaguan, Roxas City at Jismark Alborte, 26-anyos.
Batay sa inisyal na report ng Roxas City PNP, galing city proper si Anoche at papunta sanang Brgy. Culasi nang makabanggan nila ang motorsiklo na menamaneho ni Alborte mula sa kabilang direksyon.
Nagtamo ng matinding sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang dalawang driver. Dinala pa sila sa ospital pero dineklara ring dead on arrival.
Sugatan naman ang angkas ni Anoche na sina Marvin Dela ng Brgy. Palaguian, Maayon at Abner Baranda ng Brgy. Cabugao, Roxas City pati ang angkas ni Alborte angkas si John Lerry ng Brgy. Dingginan, Roxas City.
Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang dalawa nang maganap ang insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.