Capiz News
2 patay matapos mabangga ng Wigo ang kanilang sinaksakyang motor sa Dao, Capiz


Patay ang dalawang katao matapos mabangga ng isang Toyota Wigo ang kanilang sinaksakyang motorsiklo sa national highway ng Brgy. Nasunogan, Dao, Capiz Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Cloe Miguel Luciano Ferrer, 20 anyos, residente ng Brgy. Sta. Carmen, Dumalag at Ryan Lapidez Crisosto alyas ‘Nono’, 21, ng Brgy. Pinamalatican, Sigma, Capiz.
Kinilala naman ang driver ng sasakyan na nakabangga sa kanila na si Dr. Quence Dolor Trifalgar, 34, isang doktor sa Roxas Memorial Provincial Hospital (RMPH), residente ng Jaro, Iloilo City.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Dao PNP, binabaybay ng dalawa ang highway patungong Dumalag nang mabangga sila ng kasalubong na Toyota Wigo na menamaneho ng naturang doktor.
Nabatid na mula sa Roxas City ang doktor. Umovertake umano ito sa isang sasakyan at nawalan ng kontrol kaya nabangga nito ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang biktima.
Agad na isinugod sa Sen. Gerardo M. Roxas Memorial District Hospital subalit dineklara ang mga ito na dead on arrival dahil sa grabeng sugat sa ulo.
Dinala rin sa Mambusao District Hospital ang driver ng Wigo dahil sa pananakit ng katawan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.