Connect with us

Capiz News

20-anyos na babae sa Dumarao arestado sa ‘paggamit, pagtutulak ng droga’

Published

on

Arestado

Arestado ang isang babae sa Brgy. Jambad, Dumarao, Capiz dahil sa paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kinilala ang akusado na si Jean Salvago alyas Bodang, 20-anyos, residente ng Brgy. Alipaciawan sa parehong bayan.

Ang akusado ay inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Dumarao Municipal Police Station, CIDG, PFU at PROACT Capiz hapon ng Biyernes sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang akusado sa mga paglabag sa Sec. 5,11 & 12, Article II of R.A. 9165.

Ang warrant ay inilabas ni Hon. Esperanza Isabel Poco-deslate, Presiding Judge, RTC 6th Judicial Region Branch 14 dito sa Roxas City noong 2018. 

Walang piyansa ang kaniyang paglabag sa section 5 habang habang Php200,000 at Php40,000 naman ang piyansa sa mga paglabag sa section 11 at 12.

Pansamantalang dinala sa Dumarao PNP Station ang akusado at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading