Connect with us

Capiz News

20-ANYOS NA LALAKI PATAY MATAPOS SAKSAKIN NG KAINUMAN SA PONTEVEDRA, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang 20-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng kaniyang kainuman sa Brgy. Hipona, Pontevedra, Capiz gabi ng Lunes.

Kinilala ang biktima na si Christian Asuelo, residente ng nasabing lugar habang inaalam pa ang pagkakalinlan ng suspek.

Ayon sa Pontevedra PNP, dakong alas-10:30 nang makipag-inuman ang biktima kasama si Roderick Dela Torre nang biglang dumating si alias Taboy Villarice kasama ang limang mga hindi pa nakikilalang mga persona at sumali ito sa inuman.

Ilang sandali lang habang nag-iinuman ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng biktima at mga suspek.

Inihatid ni Roderick Dela Torre ang biktima sa kanilang bahay bago pa maglala ang sitwasyon pero lumabas din ng bahay ang biktima at kinompronta ang mga suspek.

Hinabol ang biktima ng mga suspek at sinaksak. Tinamaan ito sa likod. Isinugod pa ito sa Bailan District Hospital pero dineklara itong dead on arrival.

Continue Reading