Connect with us

Capiz News

Brgy. Culasi, Roxas City isinailalim sa Enhanced Community Quarantine

Published

on

Isinailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Brgy. Culasi, Roxas City matapos nagpositibo sa rapid test sa COVID-19 ang misis ng chief tanod ng barangay.

 

Nabatid na may travel history ang pasyente sa mga lugar na infected ng virus at nakakaranas ng ilang sintomas ng COVID-19.

 

Kasalukuyang ginagamot ngayon sa Roxas Memorial Provincial Hospital ang ginang habang naka-strict home quarantine naman ang mga kaanak na naka-close contact niya.

 

“Since we are on ECQ we will not be allowing entry to Culasi unless you have business to conduct within its territory,” batay sa opisyal na pahayag ni Kagawad Francis Panaguiton.

 

Pinabulaanan ng Konsehal ang ulat na naka-lockdown ang barangay. Gayonman sinabi niya na magbabantay ang mga pulis at mga sundalo sa mga border ng barangay para mahigpit na ipatupad ang mga quarantine protocols.

 

Ipapatupad din ang quarantine pass kung saan isang miyembro lamang sa bawat pamilya ang pwedeng lumabas ng bahay.

Continue Reading