Connect with us

Capiz News

21-ANYOS NA LALAKI PATAY MATAPOS MADISGRASYA SA MOTORSIKLO SA PONTEVEDRA, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang 21-anyos na lalaki matapos madisgrasya sa kaniyang menamanehong motorsiklo sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arnold Dordas, residente ng Sitio. Caringala Brgy. Jolongajog, Pontevedra, Capiz.

Ayon sa report ng Pontevedra PNP, nagmamaneho ang biktima ng kaniyang motorsiklo mula sa Sitio. Caringala, Brgy. Jolongajog nang pagdating sa national higway ng Brgy. Binuntucan, Pontevedra ay nawalan ng kontrol ang biktima sa kaniyang menamanehong motorsiklo.

Umapaw ang biktima sa gutter ng tulay at bumangga sa steel barricade sa gilid ng kalsada at nahampas ang ulo nito sa concrete post.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang biktima at isinugod sa Bailan District Hospital ng Pontevedra Emergency Response Team (PERT) pero dineklarang dead on arrival.

Continue Reading