Capiz News
21 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa Roxas City
Nakapagtala ng 21 panibagong kaso ng COVID-19 ang Roxas City nitong Linggo, Abril 19.
Ayon sa report, karamihan sa mga ito ay high risk contact ng mga naunang nagpositibo sa nasabing virus na miyembro ng iba-ibang pamilya.
Ibinalita rin ng Roxas City government ang lima (5) panibagong nakarekober sa nasabing kaso.
Sa ngayon, ang Roxas City ay may 78 aktibong kaso, 705 ang nakarekober na, 42 namatay, o 825 kabuuang kompirmadong kaso.
Samantala, pinasususpinde muna ni Mayor Ronnie Dadivas ang byahe mula sa National Capital Region papasok ng Roxas City sa loob ng 10 araw.
Ayon kay Dadivas kaugnay ito ng biglang pagtaas ng COVID-19 sa lungsod simula Abril 5.
Naniniwala ang alkalde na papaboran ng National Inter-Agency Task Force Against COVID-19 (NIATF) na suspendihen muna ang mga byahe mula Abril 20 hanggang Abril 30 papasok ng Roxas City.