Connect with us

Capiz News

23-ANYOS NA LALAKI PATAY MATAPOS MALUNOD SA BAHA SA DAO, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang 23-anyos na lalaki matapos malunod sa baha sa Brgy. Poblacion Ilawod, Dao, Capiz hapon ng Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Alex Demalata y Satiñana, residente ng Brgy. Duyoc sa nasabing bayan.

Batay sa inisyal na report ng Dao PNP, ayon sa kaniyang kapatid na si Alvin Demalata, nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima nang maganap ang insidente.

Lumangoy umano ang nasabing biktima sa binabahang lugar sa palayan at ito ay nalunod.

Agad siyang dinala ng Dao PNP sa Dao District Hospital para sana gamotin pero dineklara ito ng doktor na dead on arrival.

Continue Reading