Capiz News
23-ANYOS NA SURVEYOR PATAY MATAPOS MAKURYENTE SA DAO, CAPIZ
Patay ang isang surveyor matapos na aksidente nitong masagi ang isang live wire sa Brgy. Matagnop, Dao, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Adriane Albarez, 23-anyos, residente ng Brgy. Lawaan, Roxas City.
Napag-alaman na nagtatatrabaho ang biktima nang posible aksidenteng natamaan ng stainless na gamit nito sa pagsusukat ang live wire rason ng kaniyang pagkakuryente.
Mabilis pa itong isinugod sa Senator Gerardo M. Roxas Memorial Hospital sa Dao pero dineklara ng doktor na dead on arrival.
Ayon kay Punong Barangay Rene Palomo ng Brgy. Matagnop ipinaalam na nila ang insidente sa Capiz Electric Cooperative para sa kaukulang aksiyon. Katunayan, makailang beses na umano nila itong pinararing sa Capelco dati pero hindi parin naaaksyunan.