Capiz News
24-ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA MAAYON, CAPIZ SA KASONG GRAVE THREAT
Arestado ang isang 24-anyos na lalaki sa Poblacion Ilaya, Maayon, Capiz na wanted kasong Grave Threat.
Kinilala ang akusado na si Leo Christian Butalon y Alicaya, residente ng Brgy. Balighot sa nasabing bayan.
Siya ay inaresto Miyerkoles ng tanghali ng pinagsamang mga tauhan ng Maayon MPS at 1st Capiz PMFC sa bisa ng warrant of arrest.
Walang piyansa na itinakda ang korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.
Pansamantalang ikinulong sa Maayon PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.
Continue Reading