Connect with us

Capiz News

26-ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA SIGMA, CAPIZ SA KASONG PAGLABAG SA ANTI-CHILD ABUSE LAW

Published

on

Arestado ang isang 26-anyos na lalaki sa Brgy. Malapad Cogon, Sigma, Capiz dahil sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law.

Kinilala ang akusado na si Felix Dice, 26-anyos, isang construction worker, residente ng Purok 48 sa nasabing barangay.

Inaresto ng operatiba ang lalaki nitong Huwebes ng umaga sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 10 (A) ng Republic Act 7610 o Special Portection of Children Against Child Abuse Exploitation and Discrimination Act o Anti-Child Abuse Law.

Ang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Presiding Judge Rommel Lacson Leonor ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 21, Mambusao, Capiz nitong Nobyembre 15.

Php80,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ang operasyon ay ikinasa ng Sigma PNP sa pamumuno ni PLt. Reynaldo Lata, hepe, at ng mga tauhan ng 4th Maneuver Platoon of 2nd CPMFC, Manhoy, Dao, Capiz sa pamumuno ni PLtCol. Ferjen Torred, at ng PIU sa pamumuno ni PMaj. Francisco Paguia.

Ikinulong pansamantala ang akusado sa Sigma PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading