Connect with us

Capiz News

3 bahay naabo sa sunog sa Brgy. 1, Roxas City

Published

on

Naabo sa sunog ang tatlong bahay sa Brgy. 1, Roxas City, Capiz nito lang hapon ng Martes.

Ang mga nasunogan ay sina Teresita De Felipe, 77-anyos, Sherlita Hari-on, 64, Reynaldo Hari-on, 72, Ronald Hari-on, 28, Raymund Hari-on, 30, Mark Vincent  Hari-on, 18, John Drew Harion, 14, Andian Hari-on, 16 yo, Ashly Kim Billiones, 12, Ezra Encabo, 11, Edon Encabo, 6, Delito Encabo, 5, Romeo Padre-e, 32, Mary Grace Hari-on, 45, Mark Jay Padre-e, at Jaymark Padre-e.

Ayon sa report ng kapulisan, napansin nalang ng mga biktima  na mayroon nang usok pero hindi umano nila matukoy kung saan ito nanggagaling.

Agad na lumabas ang magpapamilya para iligtas ang kanilang mga sarili pero hindi na nasalba ang kanilang mga bahay matapos mabilis itong lamunin ng mga apoy.

Yari sa mga light materials ang mga nasabing bahay.

Iniimbestigahan pa ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Roxas City ang nasabing insidente.

Continue Reading