Capiz News
3 LALAKI ARESTADO SA DUMALAG, CAPIZ DAHIL SA ILLEGAL LOGGING
Arestado ang tatlong lalaki sa bayan ng Dumalag, Capiz sa magkahiwalay na operasyon ng kapulisan nitong Martes sa bisa ng warrant of arrest sa kasong illegal logging.
Unang naaresto ng operatiba sa Brgy. Sta. Carmen si Bernabe Crisosto Jr., 51-anyos, residente ng nasabing barangay.
Sunod namang naaresto sa Sitio Ayuyan, Brgy. Sto. Angel, Dumalag ang mga akusado na sina Paterno Fano, 39, ay Renzo Diche, 20, mga residente ng Brgy. Sta. Carmen.
Ang mga akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Forestry Reform Code of the Philippines (Illegal Logging) Section 68 as Amended by Executive Order No. 277 of Presidential Decree 705.
Ang mga warrant laban sa mga akusado ay nilagdaan at nilabas ni Presiding Judge Rommel Lacson Leonor, Regional Trial Court, Branch 21, Mambusao, Capiz, nitong Nobyembre 15.
Tig-Php40,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.
Pansamantalang nakakulong ang mga ito sa Dumalag PNP Station para sa kaukulang disposisyon.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Dumalag PNP sa pamumuno ni PLt. Avelino Villareal Jr., at Interl Operatives of 3rd Platoon, 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni PLtCol. Ferjen Torred, company commander.