Capiz News
3 seafarer mula Egypt na umuwi mula Capiz pinaghahanap ngayon ng mga otoridad
Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad ang tatlong seaferer mula Egypt na umuwi ng Capiz araw ng Miyerkules, Marso 18.
Sinasabing nakalusot ang mga ito sa border checkpoints at hindi dumaan sa mga kaukulang safety protocol.
Narito ang mga pangalan ng mga seafarer na pawang mga taga-probinsya ng Capiz:
1. Conte, Nixon Devaras, 51, residente ng Sitio Dulunan, Villa Josefina Subd., Brgy Bato, Panay, Capiz
2. Quiachon, Christopher Valbanez, 40, ng Brgy. Poblacion Sur, Ivisan, Capiz
3. Sanchez, Windell Artates, 58, ng Brgy. Dumolog, Roxas City, Capiz
Batay sa report, mula sa Egypt sumakay ng eroplano ang tatlo patungong Dubai. Mula Dubai ay bumiyahe ang mga ito patungong Cebu sakay ng eroplano.
Galing Cebu tumawid ang mga ito sa Negros Occidental. Mula naman sa Bacolod City sumakay ang tatlo ng Ro-Ro vessel na Tri-Star patawid ng Dumangas Port sa Iloilo araw ng Miyerkules.
Mababatid na ang mga bansang Egypt at Dubai ay positobo sa COVID 2019 o Corona Virus. Maging ang Cebu kung saan dumaan ang tatlo ay may kaso rin ng COVID.
Ang tatlo ay itinuturing na Person Under Monitoring (PUI) at inaasahan na sasailalim sa quarantine.