Capiz News
3 Top Most Wanted Person sa Ivisan sa kasong murder, arestado


Arestado ang tatlong lalaki na mga Top Most Wanted Person sa kasong Murder sa bayan ng Ivisan, Capiz nitong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang mga akusado na sina Ronald Sayson Sargento alyas “Ronald”, 36-anyos, isang mangingisda, Top 6 Most Wanted Person, residente ng Sitio Libot, Brgy. Poblacion Sur, Ivisan; Niño Sayson Sargento, 23, isang poultry worker, Top 7 Most Wanted, residente ng Brgy. Libo-o, Mambusao, Capiz; at Ariel Olisco Francisco, 31, isang mangingisda, Top 8 Most Wanted Person, residente ng Sitio Libot, Brgy. Poblacion Sur, Ivisan.
Sila ay inaresto ng kapulisan sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba at nilagdaan ni Acting Presiding Judge Cristine Tanco Vinculado ng RTC Branch 16, Roxas City, Capiz nitong lang Disyembre 10.
Walang pyansa na itinakda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.
Ang nasabing mga wanted person ay pansamantalang ikinulong sa Ivisan PNP Station para sa kaukulang disposisyon.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Ivisan PNP sa pamumuno ni PCpt. Gregg Anthony Salbang at Mambusao PNP, CIDG ICFU/RSOT 6, CIDG Capiz at Capiz PIU.