Capiz News
30-anyos na lalaki arestado sa pagtutulak ng droga sa Roxas City, Capiz
Arestado ang lalaking ito sa buy bust operation sa Barangay II, Roxas City, Capiz Biyernes ng hapon, Marso 20.
Kinilala ang suspek na si Elmer Durana alyas Coco, 35, isang drug surenderee at residente ng Ellieta St., Brgy. Banica, Roxas City.
Nasabat sa kaniya ang apat na sachet ng pinaniniwalaang shabu at ang Php500 buybust money.
Nabatid na dati nang nakulong noong 2006 ang drug suspect sa pagkakasangkot rin sa iligal na droga pero nakalaya matapos madismiss ang kaso.
Muli itong nakulong sa parehong kaso noong 2011 pero nakalaya din.
Nasa kostudiya na ngayong ng Roxas City PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Continue Reading