Connect with us

Capiz News

30-anyos na lalaki mula Maynila, namatay habang kinu-quarantine sa ospital sa Roxas City

Published

on

Isang 30-anyos na lalaki mula sa Maynila ang binawian ng buhay habang sumasailalim sa monitoring sa isang ospital dito sa Roxas City, Capiz.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo Capiz News Team, araw ng Linggo, Marso 15, dumating sa probinsiya ang lalaki sakay ng 2Go vessel.

Dinala siya sa ospital kinabukasan para i-quarantine bilang Person Under Monitoring (PUM) dahil sa travel history nito mula Maynila.

Mababatid na ang Maynila ay positibo sa Corona Virus o COVID 2019.

Nitong Huwebes ng gabi, Marso 19, ay binawian ito ng buhay. Batay sa eksaminasyon ng doktor, pneumonia ang ikinamatay ng lalaki na taga-Roxas City, Capiz.

Sa kabila nito, magpapadala ang ospital ng sample ng kaniyang dugo sa Maynila para suriin kung infected ba ito ng nakamamatay na virus.

Nag-atas na ang pamunuan ng barangay kung saan nakatira ang namatay na isailalim sa lock down ang kanilang lugar para imonitor ang kalusugan ng mga residente.

Ito ang desisyon ng mga opisyal ng barangay habang hinahantay pa ang resulta sa eksaminasyon ng dugo ng namatay na PUM.

Continue Reading