Capiz News
30-anyos na mister kalaboso sa kasong Qualified Theft sa Roxas City
Kalaboso ang isang 30-anyos na mister sa Brgy. Milibili, Roxas City nitong hapon ng Miyerkoles sa kasong Qualified Theft.
Kinilala ang akusado na si Mark Bulan, residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Qualified Theft na nilabas at nilagdaan ni Presiding Judge Alma Nonato Bañas-Delfin, RTC, Branch 15, Roxas City nitong Hulyo 26.
Php40,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Nakakulong ito ngayon sa Roxas City PNP Station para sa kaukulang disposisyon.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Roxas CPS led by PLTCOL Aron D Palomo, COP HPG, Capiz led by PCMS Iluminado V Peña Jr.,CIDG, Capiz led by PMAJ Chris Arthemius Devaras,1st Capiz PMFC led by PLTCOL Edyliz Ritche S Crucero all under the direct supervision of PD, CPPO.