Capiz News
41 anyos na mister, sinaksak ng sariling misis sa Dumalag, Capiz
Mabilis na isinugod sa ospital ang isang mister sa Brgy. San Jose, Dumalag, Capiz matapos saksakin ng kanyang sariling misis.
Kinilala ang biktimang si Aladin Getano, 41 anyos, habang ang suspek ay ang kanya mismong misis na si Christine Getano, kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng Dumalag MPS, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa dahilan na sinuntok ng mister ang kanyang misis.
Bilang ganti, kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang mister.
Sinasabing nagkaroon ng diperensiya sa pag-iisip ang misis dahil da pananakit ng kanyang mister.
Agad naman na isinugod ang mister sa Tapaz District Hospital na kalaunan ay inilipat sa isang ospital sa syudad ng Roxas.
Hindi naman ikinustodiya ng Dumalag MPS ang misis at dinala sa pangangalaga ng kanyang pamilya.
Via Diomer Berdugo/Radyo Todo Capiz
Continue Reading