Connect with us

Capiz News

44 anyos na lalaki arestado sa Pilar, Capiz sa kasong paglabag sa R.A. 7610

Published

on

Arestado ang isang 44-anyos na lalaki sa Sitio Libas, Brgy. San Esteban, Pilar, Capiz Miyerkoles ng umaga dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang akusado na si Rolando Andrade, 44-anyos, may asawa, residente ng naturang barangay.

Inaresto ng mga tauhan ng Pilar PNP ang akusado sa pangunguna ni PCapt. Rene Hare, hepe, sa bisa ng warrant of arrest.

Nahaharap ang akusado sa kasong paglabag sa Sec. 10 Article VI ng R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ang warrant ay ibinaba ni Faustino Roxas Jr, acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 14, Roxas City, nitong Agosto 6.

Php80,000 ang itinakdang pyansa ng korte sa akusado.

Pansamantala siyang ikinulong sa Pilar PNP Station bago dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading