Connect with us

Capiz News

45-ANYOS NA GINANG PATAY MATAPOS BARILIN NG SARILING PAMANGKIN SA BRGY. TUBURAN, MAAYON, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang ginang matapos barilin ng sariling pamangkin habang naka sakay ito sa kanyang motorsiklo sa Brgy. Tuburan, Maayon, Capiz; 12:15 kaninang hapon.
Kinilala ang biktima na si Cherry Deocampo, 45-anyos at suspek na kanya mismong pamangkin na kinilala sa kay Ariel Deocampo, 23-anyos at parehong residente ng Brgy. Maalan, Maayon, Capiz.
Batay sa datos na nakuha ng Radyo Todo – Capiz sa Maayon MPS, habang nag dri-drive ng motorsiklo ang biktima nang walang pakundangan itong binaril ng kanyang pamangkin ng makalawang beses sa kanyang likod gamit ang hindi pa nalamang kalibre ng baril at mabilis na tumakas ang suspek matapos ang nagawang krimen.
Mabilis na isinugod sa Bailan District Hospital ang biktima para gamutin pero dineklara ni Dr. Janeth Dela Rosa na Dead on Arrival na ang biktima.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang Maayon MPS para sa posibleng pagdakip sa suspek.
Continue Reading