Capiz News
47-ANYOS NA LALAKI ARESTADO SA JAMINDAN, CAPIZ SA KASONG RAPE AT CHILD ABUSE
Arestado ang isang 47-anyos na lalaki sa Brgy. Agcagay, Jamindan, Capiz nitong Huwebes ng umaga sa mga kasong Rape at Child Abuse.
Kinilala ang akusado na si Arcenio Ubales alias “Ambro”, residente ng nasabing lugar.
Inaresto ang akusado ng Jamindan PNP sa pumumuno ni PCpt. Tobias Garfin, hepe, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape (RPC Art 266-a) Par. 1(a) In Relation To 266-B, Par. 1, RPC. Walang pyansa sa kasong ito.
Sinerbehan rin siya ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Special Protection Of Children Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination Act. (Anti-child Abuse Law) Sec. 5 (B), Art. Iii Of RA 7610) na may Php200,000 na pyansa.
Ang mga nasabing warrant of arrest ay inilabas ni Judge Rommel Lacson Leonor, Presiding Judge of Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 21, Mambusao, Capiz nitong Enero 10.
Pansamantalang ikinulong sa Jamindan PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.