Connect with us

Capiz News

63-anyos na lalaki patay matapos makuryente sa Mambusao, Capiz

Published

on

Patay ang isang 63-anyos na lalaki sa Mambusao, Capiz matapos makuryente sa live wire ng electric motor pump sa Brgy. Burias.

Kinilala ang biktima na si Danilo Berganio, residente ng naturang lugar.

Ayon sa report ng Mambusao PNP, naganap ang insidente nitong umaga ng Martes matapos gusto lamang ng biktima na tingnan ang kanilang balon dahil nagkaproblema ang kanilang electric motor pump.

Nabatid na humawak sa marupok na kahoy ang biktima dahilan ng pagkatumba nito at aksidente na nahigaan nito ang live wire.

Natagpuan ito ng kaniyang 12-anyos na apo na sunog na ang ilang bahagi ng katawan at wala nang buhay.

Continue Reading