Connect with us

Capiz News

64 anyos na lalaki na nagtatatrabaho sa Libas Fishing Port, nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Isa na namang panibagong kaso ng COVID-19 ang nailista sa Roxas City — isang 64-anyos na lalaki na nagtatatrabaho sa Libas Fishing Port.

Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas, ang lalaki na residente ng Brgy. Baybay ay nilagnat noon Agosto 12 at personal na isinailalim ang sarili sa home quarantine.

Agosto 15 nang magpalipat siya sa facility quarantine at nagpa-swab test. Naka-admit ang pasyente ngayon sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Kaugnay rito, agad iniatas ng alkalde ang pagpapasara sa Libas Fishing Port. Ipinagbabawal na rin ang mga fishing boats na magpalaot sa loob ng apat na araw.

Papahintulutan ang mga nasa laot na dumaong at magbenta ng isda nila sa susunod na dalawang araw. Ikukurdon ang lugar at isasailalim sa auction.

Inatasan na ng gobyerno lokal ang Roxas City PNP,  Maritime Police, Coast Guard at Bantay Dagat na ipatupad ang mga kaukulang direktiba.

Patuloy ang contact tracing ng gobyerno at lahat ng nagtatatrabaho sa fishing port na ito ay isasailalim sa swab test.

As of August 21, sumampa na sa 38 ang bilang ng kompirmadong kaso na nailista sa lungsod. Tatlo dito ang patay, 19 ang nakarekober at 16 ang aktibo.

Continue Reading