Connect with us

Capiz News

64-anyos na lalaki sinaksak ng kaniyang anak sa Maayon, Capiz

Published

on

Isang 64-anyos na lalaki ang sinaksak ng sarili nitong anak sa Brgy. Canapian, Maayon, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Rogelio Dorde, habang kinilala naman ang suspek na si Eddieboy Dorde, 43-anyos, mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Maayon PNP, nag-iinuman ang mag-ama kasama ang dalawang iba pa nang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan na nauwi sa komosyon.

Sinuntok umano ng ama ang kaniyang anak dahilan na sinaksak naman ito ng huli.

Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente habang isinugod naman ang biktima sa Bailan District Hospital para sa kaukulang paggamot.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading