Connect with us

Capiz News

9 PANIBAGONG KASO NG DELTA VARIANT, NAITALA SA CAPIZ; ISA PATAY

Published

on

Delta Variant

Nakapagtala ang probinsiya ng Capiz ng 9 panibagong kaso ng COVID-19 sanhi ng Delta Variant. Isa rito ang naitalang namatay.

Ito ay base sa opisyal na report na inilabas ng tanggapan ng gobernador nitong Oktobre 15.

Anim sa mga kasong ito ang mula sa Roxas City, habang tig-iisa naman mula sa mga bayan ng Sigma, Panitan, at Dumarao.

Ang namatay ay isang 54-anyos na babae na mula sa Roxas City, Capiz.

Lahat nang mga pasyente ay naitalang nakarekober na sa nasabing sakit noon pang buwan ng Setyembre.

Ang resulta ay mula sa Whole Genome Sequencing na isinagawa ng University of the Philippines – Philippine Genome Center na ipinadala sa Department of Health Western Visayas nitong Oktobre 13.

Patuloy naman ang panawagan ng gobyerno probinsyal sa mga Capiznon na sumunod sa mga health protocols at na magpabakuna para maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus.

Continue Reading