Connect with us

Capiz News

Anomaliya sa SAP: Kapitan, 7 kagawad sa Dumalag, Capiz kinasuhan

Published

on

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang punong barangay at pitong kagawad ng Brgy. Sta. Carmen, Dumalag, Capiz.

Ito ay kasunod ng umano’y anomaliya sa distribusyon ng pondo mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development Office sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang kinumpirma ni Crime Investigation and Detection Group (CIDG) – Capiz head PMaj. Chris Artemius Devaras sa panayam sa kaniya.

Napag-alaman na una nang nagpaabot ng reklamo ang ilang mga residente ng barangay dahil sa maanomaliyang distribusyon umano ng SAP. Dahil rito nag-atas ang CIDG-Capiz sa Dumalag PNP na magsagawa ng imbestigasyon.

Lumalabas na nakatanggap umano ng tag-Php6,000 ang ilang indibidwal na may mga anak na sa gobyerno nagtatrabaho na pinayagan umano ng mga opisyal ng barangay.

Ang kaso laban kay Punong Barangay Rosemary Puyon at sa pito niyang kagawad ay isinampa ng CIDG-Capiz sa Provincial Prosecutor’s Office.

Continue Reading