Connect with us

Capiz News

Arsobispo ng Capiz gagawing Cardinal ni Pope Francis

Published

on

Inanunsiyo ni Pope Francis nitong Linggo na gagawing kardinal ang kasalukuyang Arsobispo ng Capiz na si Jose Advincula.

 

Ito ang kauna-unahan na ang isang cardinal sa rehiyon ng Visayas ay magmumula sa probinsya ng Capiz at hindi sa Cebu gaya ng inaasahan ng maraming deboto.

 

Si Advincula, 68, ay kasama sa 13 mga bagong kardinal na gagawaran ng titulo sa isang consitory sa Nobyembre 28.

 

Ang magiging kardinal ay isinilang sa Dumalag, Capiz noong Marso 30, 1952. Dati itong naging obispo ng San Carlos, Negros Occidental.

 

Naging seminarista siya sa Saint Piuz X Seminary sa Lawaan, Roxas City at kalaunan ay nag-aral ng teolohiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Manila.

 

Bilang bagong cardinal-elector, kabilang si Advincula sa pipili ng panibagong Santo Papa sa susunod na conclave o papal election.

 

Ang mga kardinal ay nagsisilbing tagapayo ng Papa.

Continue Reading