Connect with us

Capiz News

BABAE PATAY MATAPOS SAKALIN NG KANIYANG PINSAN GAMIT ANG LUBID DAHIL SA SELOS

Published

on

Patay ang isang babae sa Sitio Malipayon, Brgy. Culujao, Roxas City matapos umanong sakalin ng kaniyang pinsan.

Kinilala ang biktima na si Ronalyn Buñi, 25-anyos, isang housewife, residente ng Brgy. Tanza Sulod, Panay, Capiz.

Kinilala naman ang suspek na si Salvador Pin, 38, isang laborer, residente rin ng Brgy. Tanza Sulod.

Batay sa report ng kapulisan, personal na nagreport ang suspek sa kanilang tanggapan na kaniyang sinakal ang nasabing biktima.

Agad namang rumesponde ang kapulisan sa lugar kasama ang ilang opisyal ng barangay pero pagdating sa pinangyrihan ng insidente ay wala na itong buhay

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon ng Huwebes.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, pumunta ang biktima sa inuupahang bahay ng suspek at nagkaroon sila ng pagtatalo roon.

Nagalit umano ang suspek at sinakal ang biktima gamit ang lubid na nylon.

Ang tinitingnang dahilan ng kapulisan ay selos.

Continue Reading