Capiz News
Bangkay ng CTG member, nahukay ng Philippine army sa Tapaz, Capiz


Nahukay ng mga miyembro ng Philippine Army ang bangkay ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa bahagi ng Sitio Bidang, Barangay Siya, Tapaz, Capiz, nitong Lunes, Abril 21.
Kinilala ang nasawi na si Gino Giganto, alyas “Luyong,” residente ng Barangay Lahug, Tapaz, Capiz, at miyembro ng Squad 2 ng Dismantled Central Front, KR-Panay.
Ayon sa ulat ng 12th Infantry Battalion ng Philippine Army, nasawi si alyas “Luyong” dahil sa atake sa puso habang nagkukubli sa kabundukan, batay sa salaysay ng mga sumukong rebelde.
Bilang paggalang at katuparan ng pangakong kapayapaan, bibigyan ng gobyerno ng disenteng libing ang yumaong rebelde.
Nanawagan din ang Philippine Army sa mga natitirang rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan upang makinabang sa mga programang ipinagkakaloob nito. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading