Connect with us

Capiz News

Bicycle route sa Roxas City isinusulong sa Sangguniang Panglungsod

Published

on

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panglungsod ng Roxas City ang ordinansa na magkaroon ng bicycle route sa lungsod.

Sa kaniyang privilege speech, sinabi ni Konsehal Paul Baticados na ang “Bicycle Ordinance of 2020” ay bunga ng kaniyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Cycling Club of Capiz.

Ipinunto ng lokal na mambabatas na ang pagbibiseklita ay hindi lamang pang-ehersisyo at pampalipas oras kundi malaking tulong din para maibsan ang polusyon sa hangin.

Giit ni Konsehal Baticados, ang polusyon ay pangunahing problema na sa mga nakalipas na dekada.

Inilahad niya ang resulta ng pag-aaral ng Green Peace Organization kung saan sampong araw matapos ang March 16 lockdown ay naibsan ng 180% ang polusyon sa hangin.

Ang nakakabahala aniya na sa pagbalik ng mga behikulo simula nitong Mayo 16 ay kapansin-pansin rin ang muling pagtaas ng polusyon sa hangin.

Pahayag ni Baticados, ang pandemya sa COVID-19 ay magsilbi nawa aniyang leksyon para makabuo ng magandang plano para sa hinaharap.

Kaugnay rito, inihain ng abogadong konsehal sa plenaryo ang kaniyang panukalang ordinansa na naglalayong magkaroon ng bicyle route sa lungsod, promosyon at implementasyon nito.

Sasailalim pa sa pag-aaral ng konseho ang nasabing panukala.

Continue Reading